Soneto sa Tinënnëb na Dalag ni Lam-ang
*Ang Tinënnëb ay paraan ng pagluto ng isda na kung saan ito ay iniihaw, pagkatapos ay hahaluan ng kamatis, sibuyas, at asin bago buhusan ng at ibabad (tënnëb) sa pinakuluang tubig ng ilang minuto.
Alaga ni Lam-ang—maliit na dalag
sa sapang dinalaw ng gabing kumupas;
‘Pag bilog ang buwan, gising sa magdamag—
siya’y labas-masok sa kipoting bútas.
Buntis, naglilihi ang asawang Ines:
Tinënnëb na dalag siyang inaasám.
Si Lam-ang gusto ma’y di p’wedeng mainis—
sa alagang dalag hanggaha’y paalám.
Pahaw’kan ang dalag sa ulo’t marahang
linisin. Ihawin. Ilagay sa mangkok.
Pinakulong tubig ibuhos nang dahan-
dahan at timplahin—kay sarap na alok.
Mamaya si Ines t’yak mapapapikít
sa katas ng bulig: malambot, maliít.