Currently viewing Global Site
VisitUnited States or Middle East

Fried Hito Inadobo sa Gata with Malunggay Filling

By Love Babasa|

Itong recipe ko ay handog ko sa kapwa Pilipino na naging ispirasyon ko ang aking ama. Siya nga pala ang isa sa pinakamakisig at matipunong lalaking kilala ko na nasa edad 84 anyos. Napakalakas pa din at mukha siyang bata marahil ito ay lubos na mahilig sa masustansyang pagkain. Siya ay walang iba kundi ang aking ama. Iilan sa kanyang paborito ay ang hito at ang masustansyang malunggay na siya ring aking pinili bilang maging pahunahing sangkap ng aking sariling putahe. Maliit pa lamang ako lagi ko nang nakikita na pinagluluto ng aking ina ang aking ama ng adobong hito.

Magpahangang ngayon ay may tanim kaming mga malungay sa aming bakuran. Ngayon ako’y ganap na isang ina minabuti kong mag isip ng kakaibang putahe na masustansya na at siguradong magugustuhan ng buong pamilya at ang mga sangkap ay galing sa pinagmamalaking kong bansang Pilipinas at ang gamit na pampalasa ay produkto ng Mama Sita’s. Itong recipe ko ay ang fried hito inadobo sa gata with malunggay filling. Kakaiba itong recipe ko dahil nilagyan ko ng kakaibang twist ang adobo dish. Gamit ko ang vodka made in the Philippines na isang produkto ng Davao. At hinaluan ko pa ng Mama Sita’s vinegar na tamang tama ang sangkap at ang manamis namis na oyster sauce.

Ito ang paraan ng pagluto:

Una nilinis ko ang hito at tinanggal ko ang tinik kaya naging fillet na ang hito. Nilagyan ko ng asin, paminta, garlic powder. Hayaan lang ibabad ng 10 minuto. At pagkatapos ng 10 minuto, papakuluin sa Mama Sita’s oyster sauce, Mama Sita’s vinegar, vodka, laurel leaves, at hayaan kumulo ng 10 minuto at priprituhin ang hito hanggang maluto.

Sa isang kaserola para sa gata mixture, pag samasamahin lang ang luya, sibuyas, gata, malunggay, at basil. Hayaan pakuluin hangang lumapot at maluto ang gata. Lagyan ng toasted bawang, lemon, wansoy, at siling berde sa ibabaw.

Itong recipe na fried hito inadobo sa gata with malunggay filling ay para hiyakatin ang bawat Pilipino na isulong ang pagkain ng malunggay, maging bata man o matanda, dahil ito ay isa sa pinakamasustansyang gulay, nakapadaling nahapin, at swak pa sa budget ng lahat.